PAG-AANGKIN: Desiderata, salin sa Filipino ni Dr. Zeus A. Salazar
DESIDERATA
Things to be desired
Humayo kang panatag ang loob sa mundo ng ingay at kaabalahan,
Go placidly amid the noise and haste,
at iyong tandaan anong kapayapaan ang madarama sa katahimikan.
and remember what peace there may be in silence.
Hangga't maaari at walang pagsuko, makibagay ka sa lahat ng kapwa mo tao.
As far as possible, without surrender, be on good terms with all persons.
Tahimik at malinaw mong bigkasin ang sa iyo'y totoo; at ang iba'y pakinggan,
Speak your truth quietly and clearly; and listen to others,
ang mapupurol man at walang nalalaman; sila rin ay may kani-kaniyang kasaysayan.
even to the dull and ignorant; they too have their story.
Maiingay at basagulero'y iyong iwasan; kayamutan lamang sila sa kalooban.
Avoid loud and aggressive persons; they are vexations to the spirit.
Kung ihahambing mo sa iba ang sarili,
baka yumabang ka lamang at ang loob mo'y sumama,
If you compare yourself with others, you may become vain or bitter,
sapagkat palagian mong matatagpuan
ang mga taong hihigit at kukulang sa iyong katayuan.
for always there will be greater and lesser persons than yourself.
lkalugod mo ang iyong mga tagumpay at gayundin ang mga balak.
Enjoy your achievements as well as your plans.
Interes mo'y panatilihin sa iyong gawain, ito man ay hamak,
Keep interested in your own career, however humble,
tunay itong kaangkinan sa panahon ng pabugsu-bugsong kapalaran.
it's a real possession in the changing fortunes of time.
Buong ingat mong asikasuhin ang iyong negosyo,
dahil puno ng panlilinlang ang ating mundo.
Exercise caution in your business affairs, for the world is full of trickery.
Gayunman, huwag mong ikabulag ito sa kabutihang naririyan din;
But let this not blind you to what virtue there is;
marami ang nagpupunyaging matamo ang matatayog na mithiin,
at sa lahat ng dako ang buhay ay lipos ng kabayanihan.
many persons strive for high ideals, and everywhere life is full of heroism.
Maging ikaw ka.
Be yourself.
Higit sa lahat, paggiliw ay huwag mong ipagkunwa.
Sa pag-ibig huwag ka ring maging mapangkutya;
Especially do not feign affection. Neither be cynical about love;
sapagkat sa kabila ng katigangan ng puso't napawing tiwala,
for in the face of all aridity and disenchantment,
tulad ng damo siya'y habang panahong naririyan.
it is as perennial as the grass.
Payo ng mga taon tanggapin mong masuyo,
Take kindly the counsel of the years,
mga bagay ng kabataan magaan ang loob mong isuko.
gracefully surrendering the things of youth.
Palakasin mo ang kalooban upang masangga ang biglang kasawian.
Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune.
Huwag mong ikabahala ang mga agam-agam gayumpaman.
But do not distress yourself with dark imaginings.
Maraming pangamba'y mula lamang sa pagod at kalungkutan.
Many fears are born of fatigue and loneliness.
Bukod sa kapaki-pakinabang na disiplina, sarili mo'y pagbigyan.
Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.
Isa kang anak ng sanlibutan, tulad ng mga tala at kakahuyan;
You are a child of the universe, no less than the trees and the stars;
ang manatili rito ay iyong karapatan.
you have a right to be here.
At malinaw sa iyo o hindi man,
And whether or not it is clear to you,
walang alinlanga't bumubukadkad nang dapat ang santinakpan.
no doubt the universe is unfolding as it should.
Samakatuwid makipagkasundo ka sa Diyos, anuman Siya sa iyong isipan.
Therefore be at peace with God, whatever you conceive Him to be.
At anuman ang iyong gawain at hangarin, sa gulo't ingay ng buhay,
And whatever your labors and aspirations, in the noisy confusion of life,
panatilihin mong panatag ang loobin.
keep peace in your soul.
Sa kabila ng kanyang kahuwaran, paghihirap at mga bigong adhikain,
ito'y isa pa ring daigdig na maganda.
With all its sham, drudgery and broken dreams, it is still a beautiful world.
Maging masaya ka.
Be cheerful.
Sikapin mong lumigaya.
Strive to be happy.